Privacy Policy
Huling update: Setyembre 20, 2026
Maikli at malinaw lang. Sasabihin namin kung anong data ang kinukuha namin, bakit, at paano mo ito makokontrol. May hindi malinaw? Sabihan mo lang kami.
ANONG KINUKUHA NAMIN
Email mo — para sa pag-sign in. Bago ito mapunta sa database, hina-hash muna (SHA-256 + secret pepper). Hindi namin sine-save ang mismong email mo.
Phone number mo — kailangan ito bago ka makapag-report, para hindi ma-abuso ang system. Hash lang din ang nasa database, hindi ang mismong numero.
Pangalan mo (first name at last name) — kung gusto mong ilagay. Pang-display lang.
Mga report mo: ruta, oras, status, dami ng pasahero, at lokasyon (lng/lat) kung nasaan ka nang mag-report.
Habang may aktibong sakay: eksaktong lokasyon mo, kahit naka-close o hindi ginagamit ang app, para malaman kung nakarating ka na. Sa device lang ito ginagamit — hindi ina-upload bilang live track.
Sukli mo at ang history nito.
Server access logs (IP address, version ng app/browser, oras) — para sa debugging at pagpigil sa abuse. Karaniwan ito sa kahit anong backend.
PARA SAAN ITO
Para makapag-sign in ka nang walang password (magic link sa email mo).
Para makita sa mapa ang real-time na lagay ng bawat ruta — pero hindi ka makikilala bilang user.
Para malaman kung nakarating ka na, kahit naka-background o naka-close ang app, at ma-notify ka.
Para makuha mo ang Sukli mo at, sa hinaharap, magamit mo ito sa pag-redeem.
Para labanan ang mga pekeng report: phone-number gate, rate limits, at credibility scoring.
Para malaman kung saan nag-crash o bumagal ang app, gamit ang server logs.
KANINO NAMIN IBINABAHAGI
Hindi namin ibinebenta ang data mo. Period.
Kapag nag-report ka, aggregate status lang ng ruta ang nakikita ng ibang commuter: mabilis, sakto lang o matagal; ilang report sa nakaraang oras; at kailan ang pinakahuli. Hindi makikita ang pangalan, email, numero, o eksaktong lokasyon ng sinumang nag-report.
May mga infrastructure provider kaming ginagamit (server hosting at email delivery ng magic link) — para lang gumana ang app.
Kung kailangan naming magbigay ng data dahil sa utos ng batas, gagawin muna namin ang makakaya namin para maprotektahan ang privacy mo.
GAANO KATAGAL NAMIN ITINATABI
Account info: habang may account ka — kapag nag-delete ka, agad itong buburahin.
Mga report at Sukli: nandiyan habang may account ka; buburahin din kasama ng account kapag nag-delete ka.
Magic-link token: nag-e-expire sa loob ng ilang minuto, isang beses lang magagamit, at naka-hash din sa database.
Deletion token: nag-e-expire sa loob ng 7 araw kung walang gagawin; agad na mag-e-expire kapag kinansela mo; isang beses lang magagamit at naka-hash din sa database.
Server access logs: sandali lang itinatabi, sapat lang para sa debugging at pag-review ng abuse.
Aggregate status ng ruta sa mapa: nananatili ito (hindi personal at walang identifier mo).
KARAPATAN MO
Tingnan at i-edit ang pangalan o numero mo sa Profile.
Mag-sign out kahit kailan — magic link na ulit ang gagamitin mo sa pag-sign in.
I-delete ang account mo kahit kailan sa Profile → "I-delete ang data ko", o sa sansasakay.com/delete-account (kahit walang app). Buburahin agad ang account, mga report, Sukli, at personal data mo pagkatapos mong kumpirmahin.
Gusto mo ng kopya ng data mo? I-email mo kami sa privacy@sansasakay.com at ipapadala namin sa loob ng 30 araw.
SEGURIDAD
HTTPS in transit — sa api.sansasakay.com lang kumokonekta ang app.
Walang password. Magic link lang sa email mo, kaya ingatan ang inbox mo.
Hashed lang ang email at phone sa database (SHA-256 + secret pepper). Hindi naka-plain text.
Isang beses lang magagamit ang magic-link token, may expiry, at naka-hash din sa database.
Rate limits: 5 magic-link request kada 15 minuto, 20 report kada oras.
Walang sistemang 100% ligtas. Kung may breach na tatama sa iyo, sasabihan ka agad namin.
KAPAG MAY PAGBABAGO
Kapag may nagbago sa policy na ito, ipapaalam namin sa app o sa email mo.
Kung malaki ang pagbabago (halimbawa, bagong klase ng data o bagong gamit nito), hihingin ulit namin ang pahintulot mo.
Ang petsa sa itaas ang huling beses na na-update ito.
KAUSAPIN MO KAMI
May tanong o gusto ng kopya ng data mo: privacy@sansasakay.com.
Gusto mong mag-delete ng account nang walang app: sansasakay.com/delete-account.
Para sa security o abuse report: security@sansasakay.com.
Sasagot kami sa loob ng 7 araw.